Breaking News

OFWs Na Tumakas Sa Quarantine Facility, Nagpositibo Sa Covid-19


OFWs Tumakas Sa Quarantine Facility

Ayon sa spokesperson ng PCG na si Commodore Armand Balilo, tumakas ang mga OFW bago pa man dumating ang resulta ng kanilang swab test. Ang nakakalungkot, ilan sa mga ito ay nagpositibo sa virus. Saad pa ni Balilo.

“May mga nakatakas sa mga hotel na ‘yan at ang masama nito, lumabas ang results na positive sila. Ngayon nandoon na sila sa bahay nila. Nakahalubilo ang pamilya, ‘yung community,”

READ MORE:
Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga tumakas na OFW. Ang mga ito ay may kahaharapin din na kasong paglabag sa Bayanihan Heal As One Act.

Ayon pa kay Balilo, may mga hotel personalities pa na kasabwat ang mga tumakas na OFW.


“Iho-hold kung sakali eventually dahil may vina-violate siguro sila dito sa Heal as One protocol. May balak po na sampahan ng kaso. Iimbestigahan po namin kung sino ‘yung mga kasabwat nitong tumakas na hotel personalities,”

OFWs Tumakas Sa Quarantine Facility

Hinimok naman ni Balilo ang mga OFW na naka-quarantine na habaan ang kanilang pasensya sa paghihintay ng resulta. Aniya, nakikipagtulungan na ang PCG sa Bureau of Quarantine para maging mas mabilis ang pagrerelease sakanila mula sa quarantine facility.

Noong Huwebes lamang, mahigit 18,000 na OFWs ang naistranded sa Metro Manila, ayon kay PCG Admiral Joel Garcia. Bunsod ito ng mahigpit na hindi pagtanggap sa mga ito ng lokal na gobyerno ng kanilang probinsya dahil sa banta ng covid-19.

Inirereklamo ng mga nastranded na OFW ang pagi-stay ng mga ito ng higit pa sa 14 na araw na requirement sa quarantine protocol. Aminado naman ang PCG na may mga delay sa pagproseso ng mga swab sample mula sa mga OFW. Dahil anila, abala din ang Philippine Red Cross sa pagsagawa ng PCR-based samples sa iba’t ibang local government units.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 6 na libong certificates ng covid-19 result ang naipamahagi ng Bureau of Quarantine.

No comments