Breaking News

MUST READ: Proseso as Pagkuha ng Ayoda sa mga PUV Drivers

MUST READ: Proseso as Pagkuha ng Ayoda sa mga PUV Drivers
Daan-daang libong drayber ng public utility vehicles (PUV) ang walang kinikita ngayon dahil hindi nakapasada sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine kontra COVID-19.

Noong March 17 naging epektibo ang community quarantine sa Luzon at tatagal ito hanggang sa April 30. Sa ilalim ng hakbang na ito laban sa pagkalat ng coronavirus, suspindido muna ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan pati na ang pasok sa paaralan at opisina maliban sa mga nasa essential services.

READ MORE:

Bilang ayuda sa PUV drivers na apektado ng community quarantine, nagpatupad ang pamahalaan ng Social Amelioration Program (SAP) for PUV drivers batay sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as one Act.

SINU-SINO ANG MAAARING MAKATANGGAP NG SAP ASSISTANCE PARA SA PUV DRIVERS?
Loading...

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang maaaring makakuha ng benepisyong ito ay ang mga sumusunod:
  1. Mga nagmamaneho ng pampasaherong jeep at bus
  2. Driver ng point-to-point (P2P) buses
  3. Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers
  4. Nagmamaneho ng UV Express
  5. Taxi drivers
  6. School transport drivers
  7. Tourist transport drivers
  8. Motorcycle taxis
PAANO MAKAKAKUHA NG SAP ASSISTANCE PARA SA PUV DRIVERS?

Ayon sa DSWD, ang cash assistance ay ibibigay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program. Ipapamahagi ito sa mga driver beneficiaries na tutukuyin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).

Ang ilalabas na listahan ang LTFRB ay iko-cross match ng DSWD sa database nito gaya ng Listahanan at Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang maiwasan ang duplikasyon.

Per batch din ang inilalabas na listahan. Kung wala ang pangalan sa initial list, payo ng LTFRB na hintayin ang susunod na listahan o anunsyo ukol rito.

Kung qualified sa programa, maaaring i-claim ang cash assistance sa pinakamalapit na branch ng Land Bank of the Philippines.

Ayon sa DSWD, kailangang tiyakin ng PUV drivers na nasa listahan ng LTFRB at magdala ng mga requirement upang makakuha ng pinansyal na tulong.

Naglalabas ng listahan ang LTFRB sa bawat batch na pinapayuhang mag-claim na ng cash subsidy. Maaaring makita ang listahang ito sa official facebook page at website ng LTFRB at ng DOTr.

ANO ANG MGA KAILANGANG DALHIN SA PAG-CLAIM NG AYUDA?
Loading...

Kung nakalista ang pangalan sa inilabas na datos ng LTFRB, kailangang dalhin ang mga sumusunod na requirements para makuha ang ayuda:
  1. Driver’s license
  2. Kopya ng driver’s license na may dalawang pirma.
  3. Kung nakumpiska naman ang lisensiya, dapat dalhin ang mga sumusunod:
  4. Temporary Operator’s permit
  5. Government-issued ID na may pirma at litraro
  6. Kopya ng kanilang ID na may dalawang pirma.
Para naman sa PUV drivers na expired nang hindi lalampas sa September 30, 2019 ang lisensya, mangyaring magdala lamang ng mga sumusunod:
  1. Driver’s license
  2. Kopya ng lisensiya na may dalawang pirma
Para naman sa mga drayber na hindi makakapunta sa bangko pero nais magpadala ng representative na kaanak o kapwa drayber para i-claim ang ayuda, dapat dalhin ang mga sumusunod:

Letter of Authority na may pirma ng benepisyaryo
Driver’s license o government-issued ID ng benepisyaryo
Kopya ng driver’s license o government-issued ID na may dalawang pirma ng benepisyaryo
Valid government-issued ID ng representative

Ang SAP para sa PUV drivers ay sinimulang ipamahagi ng DSWD noong April 6.

Ayon sa DSWD, nasa 4,000 TNVS drivers na bahagi ng unang batch ang nakatanggap na ng ayuda.

No comments