Breaking News

Kiko sa NPA pumanig laban sa banta na Martial Law ni Pangulong Duterte

Kiko sa NPA pumanig laban sa banta na Martial Law ni Pangulong Duterte
Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bantaan ang mga rebeldeng komunista at ang mga legal fronts nito. Dahil sa mga pag-atake at pananamantala ng mga New People’s Army (NPA) sa covid-19 relief effort ng gobyerno,

READ MORE:

“Maybe I will declare martial law. Ikaw na NPA, numero uno, hinaharang ang tulong sa tao, pati supply ng pagkain nila. Kaya I’m now warning everybody and putting notice sa AFP pati pulis. I might declare martial law and there will be no turning back kung ano ang martial law na klase na gagawin ko… Pati kayong mga legal magtago na kayo. Huwag ninyong sabihin p****** i** na wala kayong… You know, you’re a b***s***, you’re the legal fronts. Sa inyo kumukuha kayo ng pera. Ang mga negosyo dito na malalaki sa Pilipinas, nagdedeposito ng pera ‘yan sa bangko, sa account ninyo. Kinukuha ninyo ‘yan. Iyan ang totoo diyan kaya nabubuhay ‘yang NPA. Pati pa ‘yung extortion niyo doon sa labas,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public address.



Magugunita na may mga naglabasang ulat patungkol sa pag-atake ng mga NPA sa mga sundalong tumutulong sa covid-19 relief efforts. Ilan sa mga nagmamalasakit na sundalo ang nasawi dahil sa kabalbalan ng mga rebeldeng komunista. Mayroon ding reports na ninakaw ng mga NPA ang mga ayuda ng gobyerno para sa taumbayan.

Ang pagbabanta ni Pangulong Duterte laban sa mga NPA ay sinagot ni Senador Kiko Pangilinan.

“Besides the immediate and pressing problem today, the enemy at the gates today is coronavirus disease (COVID-19)… Sa panahon ng COVID unahin nilang hanapan ng solusyon yung milyon milyon na ginugutom na kababayan natin sa mga komunidad at lansangan sa Maynila at iba pang lockdown areas at hindi mga rebeldeng nasa tuktok ng malalayong bundok… Hindi ML ang solusyon sa krisis ng covid. Tigilan na nila ang pagtulak ng kamay na bakal dahil hindi kayang gipitin o sugpuin ng kamay na bakal ang mikrobyo o nakakamatay na virus,” ani Pangilinan

Si Pangilinan ay dating student activist noong kapanahunan ng Martial Law ni Ex-president Ferdinand Marcos.

Hindi naman pinalampas ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary ang bagong boladas ni Pangilinan. Ayon sa opisyal ng Malacañang, una daw si Kiko sa pagdepensa sa mga rebeldeng komunista.

”Mr. Senator, bakit mahal na mahal mo ang mga leftist at mga NPA? Lagi kang una na dumepensa sa kanila.
Mediyo pinaninindigan mo talaga ang pagiging epal,” banat ni PCOO Usec. Cualoping.

Source: News.mb

No comments