Breaking News

ABS-CBN Franchise ends on May 4, ECQ extended to May 15 - GG

ABS-CBN Franchise ends on May 4, ECQ extended to May 15 - GG

Extended hanggang May 15 ang Enhanced Community Quarantine. Kaya marami pang may kailangan ng tulong.

At sa kalagitnan ng health crisis na ito, hinihintay din ang renewal ng franchise ng ABS-CBN na nakatakdang mag-expire sa May 4.

In all fairness, malaki ang nagagawang ayuda ng kanilang Pantawid ng Pag-Ibig dahil nahahatiran nila ng tulong maging ang mga nasa liblib na lugar. Naiyak ako sa napanood ko sa TV Patrol the other night na kinailangan nilang lampasan ang anim na ilog para makapagdala ang grupo ng tulong sa mga Dumagat na nakatira sa isang lugar doon.

READ MORE:

May isang pamilya na may dalawang anak na ang mga magulang ay nagtitiis na hindi na lang kumain para lang makakain ang dalawa nilang anak ng mga de late at instant noodles na ang isa ay may sakit pa.


May isang pamilya rin na pito ang anak at hindi makapag-trabaho ang ama kaya ang ginawa ng ama ay nag-volunteer sa barangay para kahit paano ay may maiuwi siya sa kanyang pamilya. Pero minsan, kape lang daw ang nauuwi niya kaya wala talaga silang makain.

Sa kasalukuyan, maraming tumutulong pero dito lang sa malalapit na lugar. Pero ‘yung ganun kalayo, sa Rizal, hindi madaling gawin.

Kaya paano ‘yun, hanggang May 4 na lang ang franchise nila? Paano kung hindi agad ma-renew?

Saka hindi lang ang network ang patuloy na dumadamay sa bawat Pilipino kundi maging ang Kapamilya stars ay marami nang naiambag na tulong sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa na dala ng COVID-19 kahit pa mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa ngayon, ayon sa nabalitaan ko ay pinama­madali na ng Bayan Muna ang pagdinig sa pagrenew ng prangkisa ng network.

Sabi ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, “The franchise of ABS-CBN will expire on May 4, and I submit that it is prudent that a hearing of the legislative franchise committee be called on the same day to expedite its resolution, especially now during the time of the CoViD pandemic.”

Sinabi rin ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na bagsak ang ekonomiya dahil sa krisis na kinahaharap ng bansa at isang malaking problema kung mawawalan pa ng trabaho ang 11,000 na mga manggagawa ng ABS-CBN kung hindi mari-renew ang prangkisa.

Dagdag pa ni Zarate ang ginagawang pagtulong nito pati ang pagpapalaganap nito ng tamang impormasyon sa panahong ito.

Kaisa sa Pantawid Ng Pag-ibig ng network ang mga pribadong kompanya at mga lokal na pamahalaan para maghatid ng pagkain at iba pang araw-araw na pangangailangan ng mamamayan pati na ang Ligtas Pilipinas  information campaign nila.

Kabilang naman sa Kapamilya stars na aktibo sa pagtulong kasalukuyang panahon ng pandemic, sina Angel Locsin na nakapagpagawa ng tents para sa frontliners at si Bela Padilla na nakapagbigay ng pagkain para sa mga street children.

Nagluto at naghanda ng mga pagkain sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo Pokwang, Ejay Falcon at Angelica Panganiban para sa frontliners.

Pati ang mga pagpapadala ng mga PPEs at face masks nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Vice Ganda ay pinasalamatan ng mga taong natulungan nito.

Maghahandog din ng benefit concert ni Regine Velasquez kaisa ang Bantay Bata ngayong Sabado (Abril 25).

Tuloy-tuloy na kaya ang pagdinig sa mga panukala sa Kongreso para bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN?

Sana naman. Kailangan ang tulong at paghahatid ng impormasyon nila at parang hindi mo ma-imagine na kung kailan may krisis sana mawawalan ng trabaho ang marami nilang empleyado.

No comments