Breaking News

Paggamit sa Kaban ng Bayan ng Pamilyang Aquino, inamin ni Kris

Paggamit sa Kaban ng Bayan ng Pamilyang Aquino, inamin ni Kris

Hindi patatalo si Queen of All Media Kris Aquino nang sabihan siya ng isang netizen na ginagamit lamang niya ang pera ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng kanyang pamilya.

Sabi ng Instagram user na si @sickie9 sa post ni Kris, “Talaga naman ginagamit ang pera ng Pilipinas para lang mas maunlad ang buhay. Family of thieves.”

Sa parte ni Kris, hindi niya ito itinanggi at ipinaliwanag pa kung saan niya kinuha ang mga pera ng Pinoy.

READ MORE

Sambit ng talk show host, “I cannot argue with your logic--pera ng Pinoy na bumibili ng mga inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na produce at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin.”
Loading...

Payo pa ni Kris, “See, hard work pays off and God rewards those in His flock who are 1. Cheerful givers, and 2. You know how to say thank you.

Pabirong hirit pa niya, “'Wag mo burahin ang pang Miss Universe na sagot ko, okay?”

Consistent Top Taxpayer

Hindi rin pinalagpas ni Kris na klaruhin sa kanyang milyung-milyon fans ang pangalan niya at ng kanyang pamilya.

Aniya sa Facebook, “Obvious naman na hindi kami pamilya ng magnanakaw.

“Generally 'pag galing sa nakaw, hindi pino-post on IG, especially an account with more than 4.6 million followers.

“But do take note [that] I wrote, GENERALLY--plus, I do have years and years of BIR receipts to back me up #facts.”

WATCH: Kris Aquino pays tribute to dad Ninoy Aquino on his birthday

Sa katunayan, pinarangalan ni former Bureau of Internal Revenue (BIR) tax examiner Mon Abrea si Kris Aquino bilang isang consistent individual top taxpayer.

Aniya sa Instagram, “You may hate her guts but @krisaquino is paying her taxes.

“Among the affluent and influential families in the Philippines, she's the only consistent individual top taxpayer.

“So to all bashers and haters, make sure you're paying taxes before you say a word. At least, Kris is among the #CrazyRichAsians not one of the #CorruptRichAsians.”
Loading...


Crazy Rich Asian?


Matagal tagal nang usapan sa showbiz media ang yaman ni Kris Aquino.

Base sa kasaysayan, isa ang Aquino clan sa isa sa prominenteng pamilya sa bansa lalung-lalo na't kilala ang pamilya nila sa larangan ng politika.

Marami nang beses sinagot ni Kris ang bashers para klaruhin ang pangalan ng kanyang pamilya na nakaw lamang ang kanilang kayamanan.

Sa post ni Mon Abrea, ipinaliwanag ni Kris na alam niyang maiuugnay ang kanyang yaman sa kanyang pamilya ngunit kampante siya sa kanyang sarili na pinagtrabahuhan niya ito dahil iyon ang kanyang natutunan sa kanyang mga magulang.

Aniya, “Just to be prudent, I religiously pay my taxes because it is part of my Catholic, Bible-based faith.

“My mom legally emancipated me when I was 15, so what I earned wouldn't be reflected on her.

“I've handled [my] college tuition and allowance from college onwards since.

“P.S. I also know wealth is relative--but I'm at a very far distance from being 'crazy rich'
Loading...

“I always remind my sons, I was the daughter of a [Cojuangco] but their lolo was adamant about raising his children to become financially independent and our mom taught us the values of consistent hard work and being generous about sharing blessings.”

Gayunpaman, 'di raw siya katulad ng kanyang mga kapatid na “low maintenance” at inaming mayroon rin siyang kahinaan pagdating sa materyal na bagay.

“My sisters and brother are low maintenance--I work as hard as I do because of my sons and because we love [to] travel.

“But, let's be honest. I have a weakness for nice clothes, makeup, shoes and watches so I make sure to have an investment fund for our expansion.”

No comments