Breaking News

Matindi to: Magkasintahang foreigner huli sa acto na nagsi-sex sa Boracay

Matindi to: Magkasintahang foreigner huli sa acto na nagsi-sex sa Boracay

Inaresto ang dalawang magkasintahang dayuhan matapos mahuli at maaktuhan ng mga kabataan na nagtatalik sa Bulabog Beach, Boracay Island.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa malaswang ginagawa ng isang lalaking Australian at babaeng British national sa Bulabog Beach na ikinabulabog ng mga kabataan na nasa lugar bandang alas-sais ng gabi noong Enero 30.

MORE

Ayon sa report ng Malay Municipal Police Station, isang residente ang nagsumbong sa kanila at agad naman nilang tinungo ang lugar at naaktuhan ang dalawang naglalampungang dayuhan.
Loading...

“‘Yung babae po ay nag-topless at ang lalaki po ay napicturan po ng ating tropa ay talagang nakalabas po ang kaniyang ari at they were engaging po, nakaluhod po ang babae, ‘yun po nagpe-perform ng sex po,” ayon kay Police Lt. Col. Jonathan Pablito, hepe ng Malay Municipal Police Station.

Inaresto ang dalawa at sinampahan ng kasong grave scandal at disobedience to person in authority matapos na tangkain pa ng lalaki na takbuhan ang mga pulis.

Nagbayad ang mga ito ng tig-P6,000 na piyansa kaya pinakawalan.

Full info @ tnt.abante.com.ph | 2 foreigner huli sa pagse-sex sa Boracay

No comments