Breaking News

Mag-inang Senior Citizen patay, 1 kritikal matapos ararohin ng SUV

Mag-inang Senior Citizen patay, 1 kritikal matapos ararohin ng SUV

MAYNILA — Patay ang mag-inang senior citizen habang kritikal naman ang isa pa nilang kapamilyang matanda nang masagasaan sila ng SUV sa Taguig City noong Martes.

Sa kuha ng CCTV sa Bayani Road, Barangay Western Bicutan, kitang nakahinto ang mga sasakyan habang nagbababa naman ng sakay ang iba.

MORE


Huminto ang isang taxi at nang pasakay na ang 3 naka-abang na pasahero, sabay arangkada naman ng isang SUV.

Sa bilis ng SUV, pumailaim ang mga biktima. Patuloy pang umandar ang SUV kaya nabangga rin ang 2 kotse at 2 pang motor.

Ang ilang tumatawid, suwerteng nakaiwas.

Dead-on-the-spot ang mag-ina na 85 at 66 anyos habang kritikal ang anak rin na 65.
Loading...

Arestado ang driver ng SUV na si Meliton Deloso. Halos 3 dekada na raw siyang driver pero aminado siya na imbes na preno, accelerator ang kaniyang naapakan.

"Akala ko preno nga, diniinan ko lalo, lalong umarangkada 'yun pala gas... Sana mapatawad nila ako, hindi ko naman sinasadya 'yung nangyari," ani Deloso.

Masama daw ang pakiramdam niya noon at uminom ng gamot para sa allergy kaya siya inantok.

Tumanggi nang magpa-interview ang mga kaanak ng biktima pero ayon sa kanilang caretaker, kauuwi lang galing Canada ng isang anak at may inayos lang sila sa bangko nang mangyari ang aksidente.

"Susunduin po sana 'yung nanay dito sa Pilipinas para dalhin sa Canada para magbakasyon," ani Orlando Bayacan, caretaker ng mga biktima.

Sinampahan na ng reckless imprudence resulting to 2 counts of homicide, physical injury, at damage to property ang driver.

Nakikipag-ugnayan naman ang may-ari ng sasakyan sa mga napinsala.

Source: ABS-CBN

No comments