Breaking News

Grade 8 Student pinagalitan ng Teacher uminom ng 20 tablet, nagpakamatay

Grade 8 Student pinagalitan ng Teacher uminom ng 20 tablet, nagpakamatay
Nagpakamatay ang isang Grade 8 student sa pamamagitan ng pag-inom ng 20 tableta ng gamot matapos siyang pagsalitaan ng masasakit na salita ng kanyang guro sa loob ng eskuwelahan sa Dingras, Ilocos Nortes noong Miyerkules.

READ MORE

Kinilala ng Dingras Police Station (DPS) ang biktima sa pangalan lamang na “Peach” (hindi totoong pangalan), isang Grade 8 student ng San Marcelino National High School (SMNHS).

Samantala, ang guro ay nakilalang si Luvenia, Grade 8 adviser ng nasabing eskuwelahan.
Loading...

Sa inisya na imbestigasyon, ayon sa DPS, break-time umano ng mga estudyante at kasalukuyang maykausap si Peach sa mobile phone ng makita siya ng guro.

Dahil dito, sinita umano ng guro ang biktima sinabihan ng masasakit na salita katabi ng mga ilang estudyante.

Ayon sa pulisya, biglang umuwi ang biktima at sinabi ng ina nito na sobrang iyak ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Ilang oras, sinabi ng mga kaanak ng biktima na nakita na lamang nila ang estuyante na nakabulagta sa kanyang kama at bumula ang bunganga dahil sa ininom sa 20 pirasong tablet ng gamot.

Agad na isinugod sa pagamutan si Peach ngunit siya ay dead-on-arrival ayon sa mga medical expert.

Samantala,ayon sa principal ng SMNH na si Terisita Malala, hindi niya mula pinaharap sa media ang guro dahil kakausapin pa niya ito tungkol sa tunay na pangyayari.

No comments