Breaking News

Ang kwento ni Mel Tiangco sa mapait na dinanas noong sa ABS-CBN

Ang mapait na dinanas ni Mel Tiangco sa ABS-CBN
Sa isang panayam noong 2013, idinetalye ni GMA News Anchor Mel Tiangco ang mapait na dinanas niya noong tinanggal siya sa ABS-CBN.

Matatandaang noong 1995 ay sinuspinde si Mel ng ABS-CBN, without pay, sa programa nitong Mel & Jay, dahil sa paglabas niya sa isang detergent commercial.

READ MORE

Nilabag diumano ni Mel ang isang circular na nagbabawal sa radio and news and current affairs talents ng ABS-CBN na lumabas sa commercial advertisements nang walang pahintulot ng management.
Loading...

Dahil dito ay nagkaroon ng legal battle sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN, na naging dahilan ng paglipat niya at ng dating co-host na si Jay Sonza sa GMA-7.

Sabi ni Mel, “Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin.

“Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun.

“Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto?

“Ganun ang feeling ko nun.”

Sa kabila ng mga sinasabi niyang pang-aaping dinanas niya, marami naman daw natutunan si Mel, at matagal na raw niyang pinatawad ang mga nasa Kapamilya channel.

Ang ABS-CBN ngayon ay nahaharap sa matinding suliranin kaugnay sa prangkisa nito.

Kamakailan lang ay naghain ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida para ibasura ang prangkisa ng kumpanya.

Habang ang koongreso naman ay wala pang naisasagawang pagdinig para sa legislative franchise ng media network.

Kasabay ng siaglot na kinakaharap ngayon ng ABS-CBN ay ang isa-isang paglitaw ng mga dati nitong manggagawa upang ikuwento ang hindi maganadang karanasan nila sa naturang istasyon.

Source: Maniladailynewsweb

No comments