Breaking News

ABS-CBN humingi ng patawad kasabay ang pag-amin sa kanilang mali

ABS-CBN humingi ng patawad kasabay ang pag-amin sa kanilang mali
Ngayong araw sa pagdinig ng senado ukol sa prangkisa ng ABS-CBN, humingi ng paumanhin ang opisyal ng media giant sa hindi nila pagpapalabas sa campaign ads ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016 election season. Ang halaga ng naturang ads ay P7 million.

READ MORE

“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network… We felt that we were just abiding by the laws and regulation that surround the airing of political ads… Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” sabi ni ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak.
Loading...

Dahil sa pag-amin ng Kapamilya network sa kanilang kamalian, nagbigay ng pahayag ang tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Salvador Panelo.

Ayon kay Secretary Panelo, dapat noon pa raw humingi ng paumanhin ang media giant kay Pangulong Duterte. Hindi rin daw niya alam kung tatanggapin ng Pangulo ang pahayag ng Kapamilya network.

“I am gald finally ABS-CBN has admitted its shortcomings to the President. Dapat noon pa nila ‘yun ginawa. I don’t know na kay President ‘yun [kung tatanggapin niya ang paumanhin]. It’s personal to him,” ayon kay Presidential Spokesperson Panelo.

Humakbang sa 5:14 mark ng video para mapanood ang pahayg ni Sec. Panelo.

Magugunita na ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng media giant. At ilan sa mga binanggit niyang rason ay ang hindi pagpapalabas ng ABS-CBN ng kanyang patalastas para 2016 elections kahit na tinanggap daw ng kapamilya network.



Source: Maniladailynewsweb

No comments